MABAGAL NA TAKBO NG EKONOMIYA ISINISI SA MATAAS NA INFLATION

inflation

TINAYA ng Moody’s na ang mabagal na pag-usad ng ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent sa ikalawang quarter ng taon ay dahil sa epekto ng mataas na inflation.

Ito ay higit na mababa kumpara sa naunang projection ng economic ma­nagers ng pamahalaan na 7.8 percent gross domestic product (GDP) growth.

Gayunman, sinabi ng debt watch group na nananatili namang matatag ang ekonomiya ng bansa dahil sa ilang economic factors.

“Consumer spending is healthy, thanks to steady inflows of overseas worker remittances and a firm labor market. Investment has been robust and is likely to remain strong, as the government boosts infrastructure development. External demand has remained solid,” ayon sa pahayag ng Moody’s.

Samantala, sinabi naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pansamantala lamang ang mataas na inflation.

Anila, may  inilatag na umanong safety nets ang pamahalaan para sa lalong madaling panahon ay maibalik sa normal na sitwasyon ang halaga ng piso na siyang hahatak pababa sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

At dahil sa ilang economic reforms na ipinatupad, ang pamahalaan ay tumaas ang inflation rate sa bansa kaya itinaas din nila ang inflation forecast para sa 2018 sa 4.5 percent mula sa naunang 2 hanggang 4 percent lamang.

Comments are closed.