MARAMI ang nagsasabi na mahirap kausap itong si Terrence Romeo ng San Miguel Beer. Mula nang makapag-asawa siya ng isang yayamanin na taga-Cebu ay nagbago umano ang dating mabait ng tubong Cavite.
Nagkakamali sila sapagkat nakatuntong pa rin naman sa lupa ang paa ng dating FEU star player. Siya pa rin daw ang madaling kausap at matulungin sa mga nangangailangan.
Very inspired si Romeo ngayon dahil sa asawa’t anak na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon sa paglalaro. Alam natin na mahal na mahal ni Terrence ang kanyang basketball career. Kahit ‘di pa nag-aalmusal ang basketbolista ay hawak agad niya ang bola para maglaro sa kanilang bakuran.
Nasabi naming mabait sina Mr. at Mrs. Romeo dahil magpahanggang ngayon ay sila pa rin ang tumutulong sa dating manager ni Alvin Patrimonio na si Nap Gutierrez. Si Gutierrez ay isang taon nang nakaratay sa karamdaman kung saan noong Agosto 2019 ay na-stroke ito dahil sa pagiging diabetic.
Sina Terrence ang sumusuporta kay Gutierrez, nagpapagamot, nagpapa-therapy at nagbabayad ng upa sa condo. Balita ng On the Spot ay umaayos na ang kalagayan ni Nap. Ang dating pabulol-bulol magsalita ay maayos na umanong nakapagsasalita.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapa-therapy ni Nap sa tulong ng mag-asawang Romeo. Marahil kung hindi suportado ng pamilya ni Terrence ang dating taga-Mapua ay baka nagpaalam na ito sa mundo.
Malaki ang pasasalamat ni Nap sa mag-asawang Romeo sa suporta na patuloy nilang ibinibigay. Sa dami yata ng pini-R nito ay bukod tanging sina Terrence ang tumulong nang lubos sa kanya
Sa kaibigan at kumare naming si, pagaling ka agad. Laban lang, masarap ang mabuhay kahit maraming pagsubok na dumarating.
o0o
Kung magreretiro na sa paglalaro itong si Asi Taulava ay nais niya umano sa kampo ng Brgy Ginebra niya isasabit ang kanyang jersey. Nasa edad 46 na si Taualva, binigyan pa siya ng isang taong kontrata ng NLEX Road Warriors. Ngayon sana ang pagkakataon ng Fil-Tongan player na makalipat sa Gin Kings kasi kulang sila ng sentro. Hindi bumalik si Greg Slaughter sa Pinas. Tapos na rin ang kontrata nito sa Ginebra. Ang tanong lang naman, gusto naman kaya ng SMC management na kunin ang kalibre ni Taulava gayong may idad na ito. Hindi nga ba nagsisimula na ring mag-build up ng mga batang players ang Ginebra?
Comments are closed.