KAKAILANGANIN na ngayong ipaalam sa kukuha ng serbisyo ng ride-hailing firm na Angkas ang kanilang timbang para sa kaligtasan umano ng pasahero at rider.
Sa kanilang mobile app, tinatanong na ngayon ng Angkas ang “weight range” ng pasahero.
“Government guidelines on motorcycle safety requires us to ensure small bikers with small bikes are not paired with passengers they may not able to ferry,” paliwanag ng Angkas.
Dahil dito, sabi pa ng kompanya, “Heavy passengers may be denied.”
Kung matanggihan man ang pasahero, iginiit ng Angkas na para ito sa kaligtasan ng pasahero at rider.
“We don’t judge,” paglilinaw ng Angkas.
Comments are closed.