Hindi na bago ang Sitwasyon ng Trapiko…
Kapag ‘yan ay nagluwag, Pula ang kalendaryo.
Kaya naman mas Maghanda pa kayo…
Mas Bibigat pa ang Trapiko, Ngayong buwan na ng Pasko
Kabi-kabila na ang mga Dekorasyon at Makikislap na ilaw.
Pagsapit ng gabi… marami ang naeengganyong mamasyal.
Kasama ang buong Pamilya, sa Parks, Mall at Carnival…
Nagpapalipas ng Oras at magdi-Dinner nang Sabay-sabay!
Ikatlo na raw ang Metro Manila sa Buong Mundo…
Ito’y sa may pinakamalalang problema sa Trapiko.
3.5 bilyong piso ang nasasayang lang dito…
Batay ‘yan sa Pag-aaral ng JICA sa traffic na Perwisyo.
Ayon sa mga Eksperto na silang Nagsaliksik at nag-aral
kalahating Litro ng krudo at gas ang Nasasayang…
Sa labing limang minuto na sa trapik na pagtatagal
katumbas na ‘yan ng Bente singko Pesos na Nalulusaw.
Kaya nga habang Ang Pasko ay papalapit na…
Magplano ng inyong mga gagawin tuwina.
Ihanda na rin ang Maraming Pasensiya..
Iwasan ang maging Magagalitin ‘pag Naipit sa Trapikong… NakaDidismaya!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.