MABIGAT NA TRAPIKO IBINABALA NG DOTr

IPINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila sa Pebrero 2 hanggang Pebrero 5.

Ayon sa pahayag ng DOTr ang pagbigat ng trapiko ay dahil sa isasagawang transportasyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP’s) Tunnel Boring Machine (TBM) sa D. Julia Vargas Avenue.

Ayon sa Facebook post ng DOTr, may posibilidad na bumigat ang trapiko sa mga sumusunod na lugar simula alas-10 ng gabi. hanggang 4 a.m. sa Pebrero 2 hanggang 3 at Pebrero 4 hanggang 5:
5th Avenue (sa pagitan ng 11 p.m. hanggang 12 midnight)
Araneta Avenue (sa pagitan ng 1 a.m. hanggang 2 a.m)
Ortigas Avenue – C5 Road (sa pagitan ng 2:30 a.m. hanggang 3:30 a.m)
Doña Julia Vargas Avenue (sa pagitan ng 3:30 a.m. hanggang 4:00 a.m)
Gagamitin ang TBM sa paggawa ng mga tunnel na magdudugtong sa Ortigas Avenue Station ng MMSP, Shaw Boulevard Station, at Kalayaan Avenue Station.

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa nasabing mga petsa at iskedyul.
EVELYN GARCIA