PINAYUHAN ng Manila Police District (MPD) ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta at maging pasensyoso dahil sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko kaugnay sa paggunita ng ika-46 taon ng martial law.
Sa inilabas na Traffic Advisory ng MPD-Traffic Enforcement Unit, isasara ang ilang kalsada para sa “Talakayan sa Mapayapang Paggunita ng Martial Law” ngayong araw, Setyembre 21, 2018.
Simula alas-6 ng umaga ay sarado ang North at Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang Pres. Quirino; Eastbound lane ng TM Kalaw mula Ma. Orosa to Taft Ave; East at West bound lane ng TM Kalaw mula MH del Pilar to Roxas Blvd. at U.N Ave. kanto ng Roxas Blvd. Service Road.
Lahat naman ng uri ng sasakyan mula northern part ng Maynila na nais dumaan sa kahabaan ng Roxas Blvd. southbound lane na galing Delpan Bridge-Pier Zone ay dapat kumaliwa sa P. Burgos hanggang sa kanilang destinasyon.
Kakaliwa naman sa MH del Pilar patungo sa kanilang destinasyon ang lahat ng behikulong babagtas ng west bound lane ng TM Kalaw patungong Roxas Blvd.
Ang galing sa Mabini Street ay daraan sa eastbound lane ng TM Kalaw patungong Taft Avenue ay dapat kumaliwa sa Ma. Orosa patungo sa kanilang paroroonan.
Habang ang mga sasakyan na mula southern part ng Manila na dadaan sa northbound lane ng Roxs Blvd. ay dapat kumanan sa Pres. Quirino patungo sa kanilang destinasyon.
Lahat naman ng cargo trucks na bibiyahe patungong Osmeña Highway ay kumanan sa Pres. Quirino Ave., tuloy-tuloy sa Nagtahan, A.H. Lacson, Yuseco St., tawid ng Jose Abad Santos at diretso sa Raxabago, Capulong hanggang makarating sa kanilang destinasyon.
Maaari ring dumaan sa northbound ng R10 ang lahat ng cargo trucks na nais gumamit ng southbound mula pier area at kanan sa Capulong diretso sa Yuseco St. hanggang AH Lacson Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
Samantala, upang hindi na mahirapan ang mga estudyante, suspendido na rin ang klase sa nasabing lungsod. PAUL ROLDAN
Comments are closed.