MABILIS NA BIYAHE AT PAMUMUHUNAN SA AIRPORT TO NEW CLARK CITY ACCESS ROAD

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na agad tapusin ang Airport to New Clark City Access Road (ANAR) sa Mabalacat, Pampanga.

Ang ANAR ay 19.81 kilometer 6-lane na kalsada na nagkokonekta sa New Clark City at Clark International Airport at ginastusan ng P8.28 billion

Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa ginagawang proyekto, sinabi ng Pangulo na hindi lang atraksyon sa turista ang pasilidad kundi isang pamumuhunan para makahikayat ng mga investor sa lalawigan dahil bibilis ang biyahe kapag natapos na ito.

Mas magiging mabilis pa ang biyahe ng mga papuntang New Clark City at Clark International Airport sa sandaling mabuksan na ang 19.81 km 6-lane ANAR.

Mula sa dating isang oras ay magiging 20 minuto na lang ang bIyahe ng mga magtutungo sa Clark Metropolis na binubuo ng Clark International Airport, Clark Freeport Zone at New Clark City.

“Completion of the project will not only pave the way for more tourists and investments in Pampanga, but will also reduce travel time from one hour to just 20 minutes,’ ayon sa Pangulo.

Ang ANAR ay bahagi ng One Clark ng BCDA na naglalayong mapaangat ang ekonomiya ng bansa at bahagi na lalo pang gumana ang kalakalan sa Clark.

Noong February 14, ang access road ay 95.21 percent nang natapos.EVELYN QUIROZ