SINIGURO ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pag- talima sa marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng mabilis na internet con- nection sa bansa.
Ayon kay DICT Secretary Gringo Honasan, nais ng Pangulo na mabigyan ng mabilis, ligtas at libreng internet connection ang bawat Filipino sa bansa.
Aniya, nakatakdang ilatag ang programa na aabot maging sa mga kababayan sa liblib na mga lugar.
Napag-alamang target ng DICT ang fiber optics o mas mabilis pang uri ng kagamitan para sa internet connec-tion.
Ipinarating pa ni Honasan na may ilang telecommunication companies na ang lumapit at nag-volunteer na magbigay muna ng libreng broadband kasabay ng pangako ng kita sa hinaharap.
Ito rin, aniya, ang magsisilbing long-term commitment kung saan sa 200 mbps na wi-fi spots sa Bicol ay itataas ito sa 1,000 mbps bago matapos ang taon. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.