HINIMOK ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang liderato ng administrasyon na agad ipalabas ang PHP10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na naglalayon na magkatulong sa modernisasyon at pagsulong ng productivity ng mga magsasaka ng palay.
“It should be released hopefully early third quarter or earlier so needed certified seeds and machinery can be provided in time for the wet season or if not this season, the dry season,” sabi ni NEDA Assistant Secretary Mercedita Sombilla sa isang mensahe kamakailan.
Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na kailangang mai-release ang RCEF ng “mabilisan” para nakahanda agad ang suporta sa mga magsasaka dahil ito ay bahagi ng pagpapagaan na alituntunin ng Republic Act (RA) 11203.
“Also, to catch the next planning season,” ani Edillon sa isa pang hiwalay na mensahe.
RA 11203, o ang rice tariffication law ay may mandato sa establisimiyento na gumagarantiya ang RCEF sa rice sector ng PHP10-billion financial support kada taon para sa susunod na anim na taon simula ngayong 2019.
Sinabi ni Edillon na ang PHP1 billion para sa credit ay nakahanda na.
Ipinaliwanag pa ng NEDA official na ang specific implementing guidelines at work program para sa mga itinalagang ahensiya ay isinasapinal na.
“There is a tech budget hearing of DA (Department of Agriculture) at DBM (Department of Budget and Management) today and probably it will be tackled,” sabi niya.
Base sa implementing rules and regulations (IRR) ng batas na pinirmahan ng NEDA, ang DBM, at ang DA, kalahati ng pondo na bigay na nagka-kahalaga ng PHP5 billion kada taon ay gagamitin para bumili ng rice farm equipment ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech).
Ang mga kagamitan tulad ng tillers, tractors, seeders, threshers, rice planters, harvesters, at irrigation pumps ay bibigyan bilang grant-in-kind na talagang nakatuon para sa mga magsasaka, rice farm associations, at registered rice cooperatives.
Sa ilalim ng rice tariffication law, sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, sa kanyang Facebook post kahapon, Lunes, na ang PHP3 billion ng RCEF ay nakalaan para sa inbred seeds na hahawakan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), at PHP1 billion para sa credit.
Ang natitirang PHP1 billion ay nakatuon para sa technical skills development at training na hahawakan ng Technical Education and Skills Development Authority (PHP700 million); PhilRice (PHP100 million); PhilMech (PHP100 million); at Agricultural Training Institute (PHP100 million), aniya. PNA
Comments are closed.