PLANO ng Department of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na lumikha ng isang measles task force upang matugunan ang measles outbreak sa rehiyon.
Matatandaang kabilang ang Calabarzon sa idineklara ng DOH na may outbreak ng tigdas kamakailan, dahil na rin sa mabilis na pagdami ng mga tinatamaan ng sakit doon.
Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, pinulong nila kamakalawa ang Provincial Health Officers (PHOs), City Health Officers (CHOs), Municipal Health Officers (MHOs), National Immunization Program (NIP) Coordinators at Provincial Health Team Officers (PHTOs), kabilang ang Development Management Officers (DMOs), upang matugunan ang mabilis na pagdami ng mga kaso ng sakit sa rehiyon.
Napagkasunduan umano nilang bumuo ng isang task force na lilikha ng mga estratehiya at mga plano na ipatutupad para ma-kontrol ang sitwasyon, at matiyak na matutugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga pasyente.
“We need to have a uniform strategy in the implementation of the mass immunization activity against measles, especially in the recording, reporting and monitoring of cases. This is for proper documentation and evaluation,” ayon kay Janairo.
“This is also to ensure that we have enough supply of vaccines at the local level including health human resource who will ad-minister it to the target population. A Measles Task Force will be created to see to it that the strategies and plans will be implemented accordingly and also to address the needs of the measles patients. They will also be coordinating with various local government leaders to acquire their support and ensure that logistics are in place. Whatever they need for this activity we will provide it to them,” he added.
Lumilitaw sa inilabas na datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), na kabuuang 972 kaso na ng sakit ang naitala nila mula Enero 1, 2019 hanggang Pebrero 9, 2019, at 25 sa mga ito ang binawian ng buhay.
Nabatid na mas mataas ang naturang bilang ng 683 porsiyento kumpara sa naitala nilang 124 kaso lamang at isang kumpirma-dong patay sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.
Ang mga pasyente ay nasa age range na siyam na buwang gulang hanggang 59-taong gulang.
Sa 972 measles cases, 202 ang nabakunahan; 359 ang hindi nabakunahan; 192 ang wala pang siyam na buwang gulang at 174 naman ang hindi batid ang vaccination status.
Pinakamaraming naitalang measles cases sa Rizal na umabot sa 465; sumunod ang Laguna (167 cases); Batangas (142 cases); Cavite (126 cases); at Quezon (72 cases).
Kaugnay nito, umapela naman si Janairo sa mga mamamayan na magpabakuna at iginiit na ito lamang ang paraan upang makai-was na dapuan ng tigdas.
“Measles vaccine is the only way to prevent the spread of measles virus. It is very important that our children are vaccinated re-gardless whether they received it or not, we have to make sure that they have the protection they deserve,” paliwanag pa ng regional director.
“Let us protect our children against measles. Bring them to your nearest health centers, and immunization centers that will be placed in public areas such as malls, churches, schools and food chains. It is still the safest effective way to combat measles virus,” dagdag pa ni Janairo. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.