UMAABOT sa 1,406 RT-PCR test samples o Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction ang nakolekta ng mga tauhan ng PNP Medical Reserve Force MOA team sa hanay ng mga kadete at personnel ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos na magpositibo sa coronavirus ang 232 kadete at 11 tauhan ng Camp Gen. Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.
Ipinag-utos ni PNPA Director, P/MGen Gilberto Dela Cruz ang agarang pagkuha ng swab samples sa mga kadete at mga tauhan nito para matiyak na hindi na kakalat at hindi na madaragdagan pa ang bilang ng mga nahawahan ng COVID-19 na ngayon ay kasalukuyang nasa limang isolation facilities sa loob ng Camp Castañeda.
Katatalaga pa lamang kay PMGen Dela Cruz bilang PNPA director, at agad itong nagpatupad ng mga proactive response laban sa COVID-19 para mapangalagaan ang buong Cadet Corps.
Umaabot sa 6,500 face shields, 16,000 facemasks, 1,100 carry-on canister at alcohol ang ipinamahagi sa bawat PNPA cadet para sa disinfection at proteksiyon base sa guidelines ng Department of Health (DOH).
Nabatid na ang isinagawang pagsusuri sa loob ng kampo ay bahagi ng hakbangin ni Dela Cruz para matiyak ang kabuuang kondisyon ng academy.
Habang nananatili sa limang isolation facilities na kumpleto ng amenities, food and medical supplies ang 232 kadete at 11 personnel na binabantayan ng health frontliners.
“These facilities are currently being managed by the Health Service and are serving as seclusion rooms for 232 cadets and 11 personnel who were confirmed to have been contracted with the virus. Our health frontliners are now strictly monitoring these cadets and personnel on these recovery areas.”
“ As of writing, there is no recorded increase of Covid-19 case,” ayon pa sa opisyal na nagsabing SIMULA PA September 3, 2020 ay naka lockdown na ang buong kampo.
Nabatid na tumanggap din ng 11,000 capsules ng Vitamin C ang mga kadete para sa kanilang 14 days quarantine consumption, habang may 10,000 face masks at 1,000 face shields ang ibinigay ng naman PATROL Party List.
Bukod dito may laboratory gowns, 15 thermal scanners, dalawang 5lbs oxygen tanks, medicines ang ibinigay naman ng iba stakeholders para sa nasabing isolation facilities.
“We assure the families and loved ones of the cadets that they are in good hands and their wellness will always be our paramount consideration. We also thank our generous donors for the countless blessings that were shared, words cannot express our appreciation”, pahayag pa ni PMGen. Dela Cruz. VERLIN RUIZ
Comments are closed.