HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang tungkol sa mabilis na fund transfer mula sa abroad gamit ang INSTAPAY.
Saludo ang AUB sa ating overseas Filipino workers (OFWs) na masigasig na nagtatrabaho para sa kanilang mga pamilya. Alam nating lahat na ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay isang mahirap na sakripisyo dahil kailangang lumayo sa pamilya. Matagal na nawawalay ang ating mga minamahal upang makapag-ipon para sa kinabukasan ng ating pamilya.
Dahil alam ng AUB ang inyong mga sakripisyo, may good news kami sa inyo. Alam ninyo bang mas mabilis na ang pagpapadala ng pera mula abroad?
Kung ikaw ay isang OFW, mabilis mo nang mapapadala ang perang nakalaan para sa iyong pamilya rito sa Filipinas sa pamamagitan ng InstaPay. Ang InstaPay ay isang electronic fund transfer service kung saan real time ang pag credit ng pera sa taong pinadalhan mo.
Bumisita lamang sa mga accredited remittance centers ng AUB para makapagpadala ng pera sa iyong pamilya rito sa Filipinas. Ang listahan ng accredited remittance centers ay makikita sa www.aub.com.ph/remittance
Hindi mo na kailangang mag-alala para sa pinansyal na pangangailangan ng iyong pamilya sapagkat real time na nilang makukuha ang iyong perang padala.
Kung ikaw naman ay isang beneficiary, mabilis mo nang makukuha ang padala ng iyong mahal sa buhay na nagtatrabaho sa abroad. Dahil sa InstaPay, agad-agad na make-credit ang perang ipinadala sa inyong savings account.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang pinakamalapit na AUB branch and AskUrBanker!
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.