PASAY CITY – EPEKTIBO ngayong araw ang anim na working days na lamang ang hihintayin ng mga nag-apply para magkaroon ng pasaporte.
“We made a promise to the President and to our kababayan that we will work hard to give them fast, efficient, and secure passport services,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano nang makapanayam sa New York, USA kung saan siya ay dumalo sa 73rd Session ng United Nations General Assembly.
Nauna nang ipinangako ni Cayetano na mas mapabibilis pa ang pagproseso at pag-isyu ng pasaporte sa mga aplikante.
“Shortening the length of time our kababayan would have to wait before they could receive their passports is part of that promise,” dagdag pa ng kalihim kasabay ng paglabas ng mga bagong schedule ng mga passport applicant.
Ayon pa sa kalihim ng DFA, simula ngayong Lunes, Oktubre 1, ang mga aplikante sa DFA Consular Offices sa Metro Manila na nagbayad ng regular processing fee na P950 ay puwede nang makuha ang kanilang pasaporte matapos ang 12 working days sa halip na 15 working days.
Sa mga aplikante naman na mas piniling magbayad ng processing fee na P1,200.00 ay makukuha na nila ang pasaporte matapos ang 6 working days sa halip na pitong araw.
Ang mga aplikante ng DFA Consular Offices sa labas ng Metro Manila ay makukuha nila ang pasaporte matapos ang 12 working days sa halip na 20 sa mga regular processing, habang 7 working days naman sa halip na 10 sa express processing.
Ang pinaikling proseso ay resulta ng mga programang ipinatupad simula pa noong isang taon kasama na ang pagdagdag ng kapasidad ng DFA na tumanggap ng bugso ng mga aplikante, kabilang ang e-payment scheme at ang pagbubukas ng mahigit na 10,000 slots simula 12 noon at 9 p.m., Lunes hanggang Sabado.
Inilunsad din ang Passport on Wheels (POW) kung saan itinalaga ang mga ito sa 201 lokasyon as of September 19, at napagsilbihan ang mahigit 200,000 applicants sa buong bansa.
Binuksan ang dalawang consular offices sa Ilocos Norte at Isabela noong Mayo at mayroong anim hanggang pito na consular offices ang bubuksan ngayong Octo-ber hanggang December ngayong taon sa Bulacan, Laguna, Cavite, Rizal, Davao del Norte, Misamis Occidental at Tarlac. PILIPINO Mirror Reportorial Team