NAIS ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go ang mas mabilis na serbisyo at tulong sa mga mahihirap na Filipino.
Ayon kay Go, bagamat unti-unti nang umaayos ang serbisyo ng gobyerno para sa mga mamamayan sa ilalim administrasyong ng Pangulong Rodrigo Duterte ay pabibilisin pa ito.
Sinabi ni Go, mahaba pa rin ang pila sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng pagkuha ng pension sa Social Security System, driver’s license, pagpapa-check up at pagpapagamot sa mga hospital ng pamahalaan.
Hangad ni Go na matuldukan na ang mahabang pila at palitan ng mabilis na serbisyo sa bawat mamamayan sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na empleyado sa mga ahensiya ng gobyerno.
Iginiit pa ni Go, na ang utos sa kanya ng Pangulong “Digong” ay huwag nang pahirapan at paghintayin pa ang mga taong nangangailangan sa halip ay suklian ng mabilis na serbisyo dahil sa mamamayan gal-ing ang buwis ng gobyerno.
Comments are closed.