NAPAKAGANDANG laro ng basketbol ang nasaksihan ng sambayanan noong Miyerkules ng gabi sa tinatawag na qualifying round ng 2021 FIBA Asia Cup ng Group A at B sa ating bansa na kasalukuyang ginaganap sa Angeles University Gym sa Clark, Pampanga.
Sigurado ako na malaking balita ito dahil nagwagi kasi ang Filipinas laban sa South Korea sa iskor na 81-78.
Kung hindi ninyo napanood noong isang araw, siguradong mapapiling at manghihinayang kayo.
Karamihan kasi sa atin na mga mahilig sa larong basketbol at sa mga sumusubaybay sa ginagawang pagbuo ng Gilas Pilipinas, ay alam na walang naiwan sa mga orihinal na manlalaro na nagmula sa PBA.
Wala na sa listahan sina Jason Castro, Gabe Norwood, Andre Blatche, Troy Rosario, Junmar Fajardo at iba pa na kilalang mga sikat na manlalaro sa PBA. Ang lahat ay mga bata na halos kulang sa karanasan sa paglalaro sa ibang bansa o sa PBA. Ang unang nakatakdang laban nila kamakalawa ng gabi ay ang malakas na koponan mula sa South Korea. Kaya naman marami ang nag-aakala na dehado ang Gilas Pilipinas sa laban nila.
Sa umipisa ay hirap na hirap ang ating koponan sa mga mas malaki at beteranong manlalaro ng South Korea. Hindi inakala ng Gilas ang pisikal na estilo ng laro ng mga Koryano.
Ngunit ang kanilang puso at determinasyon ang nagtawid sa kanila habang nagtagal ang laro. Bagama’t mas malaki ang mga Koryano sa ating mga Filipinong manlalaro, kinuha ng mga Pinoy na manlalaro sa bilis at pagpupursige sa depensa. Nakadagdag din ang dalawang higante natin na si Kai Sotto at ang naturalized Pilipino na si Angelo Kouame upang makapagtala ng rebound at depensa laban sa mga Koryano.
Pero ang lumabas na mahalagang iskor sa pagkapanalo ng Filipinas laban sa South Korea ay si SJ Belangel. Tabla kasi ang iskor sa 78-78 ng dalawang koponan na may iilang segundo na lamang ang natitira bago magtapos ang laro. Pumukol ng 3-point shot si SJ Belangel na pumasok bago magtapos ang oras ng laro. Kaya naman panalo tayo laban sa South Korea. Hindi pa nanalo ang Filipinas sa kanila mula pa noong 2013.
Kaya naman ang Filipinas ay nangunguna sa grupo nila. Kasama sa Group A ang South Korea, Indonesia at Thailand. Samantala ang Group B naman ay kinabibilangan ng China, Japan, Malaysia at Chinese-Taipei. Dahil sa pagkapanalo ng Gilas, nakasisiguro na sila na maglalaro sa ika-16 hanggang ika-28 ng Agosto sa 2021 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia.
Bagama’t natalo ang South Korea, sigurado pa rin sila na mag-qualify sa FIBA Asian Cup. Ganoon din ang Indonesia. Maski alam naman natin na mahina ang koponan ng Indonesia, awtomatikong qualified sila bilang host ng nasabing torneo. Madilim ang pag-asa ng koponan ng Thailand na mag-qualify dahil sila ang kulelat sa kanilang grupo.
Kaya pasok na ang Filipinas sa nasabing torneo. Kasama rito ang mga bansang Indonesia, Bahrain, Iran, Jordan, Kazakhstan, Lebanon at Syria. Naglalaban- laban pa ang mga ibang bansa upang makalahok sa walong puwesto sa Asian qualifying round. Abangan na lang natin kung anong mga bansang ito.
Saludo ako sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na pinangungunahan ni Al Panlilio ng PLDT at ang bagong coach ng Gilas na si Tab Baldwin sa ginagawa nilang programa para sa Gilas Pilipinas. Ang mga bagong pangalan sa koponan ng Gilas ay patunay na patuloy ang magandang development program ng basketbol para sa ating national team. Mabuhay kayo!
188795 131735I enjoy this web site, will surely arrive back. Make positive you carry on writing high quality posts. 361533
614760 672593This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward creating the fact goal in mind. lose weight 727188
692620 600766Hey there! Great post! Please do tell us when we shall see a follow up! 213759
Looking for cheats in Valorant? If you want to easily boost or dominate the game, buy