MABUHAY LANES GAMITIN NA – MMDA

mabuhay lane

MAKATI CITY – IPINAGAGAMIT na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista ang Mabuhay Lanes o ibang ­alternate route bunsod ng papalapit na holiday season.

Sa pahayag ng MMDA na tumataas ng 20 porsiyento ang numero ng mga sasakyan na bumibiyahe sa kalsada tuwing Christmas season at ang paggamit ng alternate routes ay isang malaking kabawasan sa EDSA at iba pang major roads.

Nagsasagawa na rin ng clearing operations ang MMDA sa Mabuhay Lanes  upang maging kombinyente ang biyahe ng mga motorista.

Ang iba pang paraan para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko ay isasagawa rin ng MMDA hanggang January 14, 2019.

Kahapon ay epektibo na ang adjusted mall hours sa lahat ng shopping malls na makikita sa EDSA, Commonwealth, C-5, and Marcos Highway na magbubukas ng 11 ng umaga. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.