MAHILIG talaga sa bulaklak si Marian Rivera dahil napapasaya raw siya nito, kaya naman naisipan niyang ipundar ang Flora Vida, isang online flower shop na ang specialization ay preserved arrangements.
Gamit ang rehydration technique, mukha pa ring sariwa kahit ilang buwan na ang nakaraan.
Bawat bouquet at personal na design ay inayos ni Marian herself, na natuto sa sikat at world-renowned florist na si Nicolai Bergmann.
Kapag naayos na ang mga bulaklak, hindi na nila kailangan ang sunlight at tubig, at mananatili ito
sa ganoong kalagayan hanggang dalawang taon.
Bago pa nagpandemya, binuksan na ni Marian ang Flora Vida – 2017 to be exact – matapos siyang regaluhan ng asawang si Dingdong Dantes, noong Pasko ng 2016.
Hindi naglaon, isinilang na rin ang Floravida clothing line, na ang inspiration naman ni Marian ay ang pansariling love for dressing up at comfortable classic silhouettes. Ang mga damit sa Flora Vida ay pwedeng gamitin sa formal occasions at pwede rin sa day to day activities.
Ang Flora Vida ay tahanan ng mga specially curated collection ng mga special pieces na gustong i-share ni Marian sa lahat.
Lahat ng Flora Vida Clothing line products ay gawa sa OEKO-TEX certified linen – na nakasisiguro ng human-ecological safety ng tela. Walang tina na nakakairita ng balat, pesticides, heavy metals at iba pang harmful substances.
Sa shipping naman ng mga order, bulaklak man o damit, ginagamit ni Marian ang DingDong.PH na negosyo naman ng kanyang asawang si Dingdong Dantes sa Metro Manila at kung medyo malayo, gumagamit silang ibang shipping partners.
Sinusuportahan ng Flora Vida ang mga local communities sa pamamagitan ng paggamit sa mga naisalbang puno ng mangga mula sa Southroad Bay, Laguna at Paete, Laguna. – NV