MACARIO SACAY

SI Macario Sakay y de León ay isang heneral na Filipino na may mahalagang papel sa 1896 Philippine Revolution laban sa imperyong Kastila at sa Philippine–American War. Matapos ang giyera sa United States noong 1902, nagpatuloy si Sakay sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng pamumuno sa mga geril­ya. Noong 1903, itinatag niya ang Tagalog Republic kung saan siya ang pangulo.

Isinilang si Macario Sakay de León noong March 1, 1878 sa Tabora Street, Tondo, Manila. Nagtrabaho siya bilang apprentice sa pagawaan ng kalesa. Isa rin siyang tailor at stage actor, na nagtatanghal sa ilang play, kasama na ang Principe Baldovino, Doce Pares de Francia, at Amante de la Corona.

Tunay na miyembro ng Katipunan movement mula pa noong 1894, nakipaglaban siya kasama si Andrés Bonifacio laban sa mga Kastila sa buong panahon ng Philippine Revolution.

Noong 1899, nagpatuloy siya sa pakikipaglaban para sa Kalayaan ng Pilipinas laban sa mga Amerikano.

Nakulong siya sa kasong sedisyon at nabigyan din naman ng amnestiya.

Nang matapos ang giyera, isa si Sakay sa mga founder ng Partido Nacionalista (iba ito sa Nacionalista Party na founded noong 1907).

Umapela ito sa Philippine Commission, ngunit ipinasa ng Komisyon ang Sedition Law. Muling lumaban si Sakay.

Nang sumuko si General Emilio Aguinaldo sa mga Americano, pinamunuan ni Sakay ang Revolutionary Government ni Aguinaldo. — LEANNE SPHERE