ISA sa mga lugar na nais puntahan ng mga overseas Filipino worker para maghanapbuhay ay ang Macau.
Batay sa panayam kay alyas Leygin, dalawang taon nang namamasukan sa Macau, na masarap magtrabaho sa nasabing special administrative region ng China.
“Maayos naman dito at ligtas kami, ” ayon kay Leygin.
Sinabi pa ni Leygin na wala siyang nabalitaan na nadisgrasyang kababayan.
“May pagkasuplado ang mga tao rito (Macau) pero walang karahasan at malaya kami mamasyal kahit saan,” dagdag pa ni Leygin.
Nabatid na dumarami na ang Filipino na nagtatrabaho sa Macau dahil sa kabi-kabilang hotel at resort casino roon, maayos ang pasuweldo at mahigpit na seguridad. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.