MACHRA PRESS OFFICE BALIK OPERASYON

Mayor Isko Moreno

MAYNILA – BILANG pagkilala sa kahalagahan ng mainstream media at katuwang sa mabuti at mahusay na pamamahala ng lungsod ng Maynila, ibinalik na muli ni Mayor Isko Moreno ang press office ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) matapos itong ipadlak sa loob ng anim na taon.

Mismong si Moreno ang nanguna sa inagurasyon at blessings ng press office noong Biyernes ng hapon kasama sina Fr. Joel Rescober  at secretary to the mayor Bernie Ang, na adviser na ng MACHRA simula pa noong 1988.

Sinaksihan ng mga nasorpresang opisyal at  miyembro ng media organization na binubuo nina  Itchie G.  Cabayan (People’s Tonight),  President; Andi Garcia (Police Files Tonite), Vice President; Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon/PM), Secretary; Juliet De Loza-Cudia (Abante/Abante Tonite), Treasurer; Mylene Alfonso (Bulgar), Auditor; Verlin Ruiz (PILIPINO Mirror), Chairman of the Board; and directors Jerry Tan (People’s Journal),, Pat Santos (Tribune), Jhun Anzures (DWAD), Mary Ann Santiago (Balita),  regular members Brian Billasano, Bong Son, kapwa ng Hataw at Rene Crisos-tomo (Remate).

Labis ang pasasalamat ng mga opisyal ng MACHRA kay Moreno, gayundin kina Vice Mayor Honey Lacuna, Ang, special mayor’s reaction team (SMART) chief Maj. Jhun Ibay, city engineer Armand Andres and department of public service chief Kenneth Amurao para sa kanilang kooperasyon sa pagbabalik muli ng  MACHRA office.

Pinasalamatan din ni Moreno ang MACHRA dahil sa patas na pagbabalita at pagsisiwalat ng tama,  makatotohanan at mahahalagang  impormasyon sa mga programa at gawain ng pamahalaang lungsod sa nakalipas na anim na buwan.

Ang MACHRA ay itinatag noong 1988 bilang isang tri-media organization na binubuo ng  legitimate media practioners mula print, radio at TV na naka-assign upang mag-cover ng Manila City Hall beat. VERLIN RUIZ