TINAWAG na anghel ang batang babae na nasagip ng search and rescue team sa mahigit 100 pang nawawala sa massive landslides sa Zone 1, Barangay Masara, Maco Davao De Oro.
Ang batang si Chinchin na nailigtas mula sa pagkakatabon ng bato at lupa ay kabilang sa 110 pang pinaghahanap mula nang maganap ang pagguho nitong Martes ng gabi.
Ang pagkakaligtas ng buhay sa batang biktima ay nagbigay lakas ng loob ngayon sa ibat ibang rescue unit para para magkumahog sa paghahanap pa ng mga nawawalang biktima ng landslides na pinangangambahang tuluyan ng Natabunan ng buhay.
Sinabi ng ama ng bata na si Orlando Malacaste, iniwan niya ang kanyang mag-iina nang marinig ang dagundong at umaasang buhay pa rin ang kanyang misis at isa pang anak na 17-anyos.
“It’s a miracle,” ayon kay Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Officer Edward Macapili.
Nabatid na dahil tatlong araw na ang nakalipas ay pinangangambahang maaaring patay na ang mga natabunan ng lupa.
Naganap ang naturang pagguho ng lupa noong nakaraang February 6 ng kasalukuyang taon kung saan bukod sa mga natabunang bahay ay may tatlong bus at isang jeep ang nahagip din ng rumaragasang bato at lupang dumausdos mula sa itaas ng bundok sanhi ng pag ulan.
Batay sa inilabas na datos ng Philippine Army 1001st Brigade Huwebers ng gabi au umakyat na 11 ang kumpirmadong nasawi, subalit kahapon ng alas-12 ng tanghali ay 15 na ang namatay habang 110 ang nawawala.
VERLIN RUIZ