MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT UMAARIBA SA BISITA

CEBU- UMABOT na sa 4.68 milyong pasahero sa lokal at international ang naitala ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa unang anim na buwan ng 2023 dahil sa dami ng bumibisita sa lalawigang ito.

Base sa record, mula Enero hanggang Hunyo nitong taon, nakapagtala ang MCIA ng 3.77 milyong domestic at nasa 1.09 milyong foreign passengers na kung saan dumoble ang bilang ng pasahero mula sa 2.12 milyon noong nakaraang taan na ngayon ay nasa 4.68 milyon na isang magandang signal umano na nakakarekober na ang Cebu sa post-Covid-19 pandemic.

Isa pa sa ibinibida ng MCIA ay ang bagong Cebu to Narita (Tokyo) at Taipei and Hong Kong flights at ngayon ay ang pagbabalik ng direct flights mula Cebu hanggang China sa China Eastern nitong Hulyo 15.

Isa itong magandang hudyat na bumabalik na ang sigla at maaari nang bumisita ang Chinese tourists sa Cebu na kabilang sa top visitors noong pre-pandemic.

Nabatid na babalik din ang Air Asia Flight na direct route mula Cebu hanggang Shenzhen sa Southern China ngayong Setyembre.

Malaking oportunidad at travel experiences ang magaganap sa pagbubukas ng Air Asia na magkakaroon pa ng direct flight mula Cebu hanggangTokyo. VICK TANES