MAHILIG ang Pinoy na kumain lalo na ang mga ginataang pagkain. Alam natin na ang susi sa isang masarap na gata ay ang gata ng niyog na ang kalidad ay nasa unang piga.
Pero masyadong matrabaho ang pagpunta lagi sa palengke kung kailangan ng gata. Bagama’t nakabibili na ng niyog na nakudkod na, kailangan pa rin itong pigain. Kailangan mo ng lakas para maluto agad ang mga sahog dahil madaling mapanis ang gata.
Pero, tapos na ang mga araw ng lahat nang mabusising paraan ng pagkudkod at pagpiga dahil ipinakikilala na ang Coco Mama Fresh Gata–ang solusyon sa lahat ng inyong pangangailangang panggata.
Ipinagmamalaking gawa sa Filipinas gamit ang pinakamagandang produkto ng niyog, bawat pakete ng Coco Mama Fresh Gata ay nagtataglay ng krema na galing sa sariwang kinatas na niyog. Ito ay kinudkod, piniga at ipinakete ng isang araw, para siguruhing makukuha ninyo ang sarap ng unang piga sa bawat pakete.
Deliciously creamy, appetizingly ‘puting-puti’ at ‘nagmamantika’ kapag niluto na nagsasabi kung gaano ito kapresko. Ito ay ipinakete sa isang pouch na wala kang gagawin kundi alugin, buksan at ibuhos sa lutuin. Wala nang kayod, piga sa preskong gata.
Gamitin para sa ginataang sitaw at kalabasa, chicken curry, gising-gising, adobo sa gata, at iba pang paboritong lutong may gata. Puwede ring sa mga gustong panghimagas tulad ng kakanin, ginataang bilo-bilo, biko, maja blanca at ginataang mais. Marami pang posibilidad sa Coco Mama Fresh Gata, kaya subukan na. Ang totoo, ang pagtago ng gata ay tapos na, dahil bawat pakete ng Coco Mama Fresh Gata ay nagtatagal kaysa sa kinayod na gata. Itago lamang at i-enjoy ang gata anumang oras.
May dalawang sukat ng Coco Mama Fresh Gata — 200ml (PHP29), ay katumbas ng isang niyog, at 400ml (PHP60), na ka-tumbas naman ng dalawang gata.
Mabibili na ngayon ito sa mga supermarket sa buong bansa. Just #GataBilib!
Comments are closed.