Madaling paraan sa pagkolekta ng plastik, sa tulong ng SM

Ilang beses na ba tayong nakakita sa social media ng iba’t ibang uri ng mga nilalang sa dagat, tulad ng balyena at pagong, na nakakakain o nasusugatan ng mga basurang hindi nabubulok, lalo na ang plastik, na nakakapahamak sa kanilang kalagayan? Sa kasamaang palad, wala pang nagiging konkretong tugon dito at kasalukuyan pa din itong suliranin sa ating kalikasan.

Hindi man agarang malulutasan ng mga karaniwang mamamayan ang pagkasira ng kalikasan, malaki ang bahagi ng bawat isa at hindi ito dapat isinasawalang-bahala. Bilang mga indibidwal na may kakayahang makatulong kahit sa maliit na paraan, responsibilidad natin ang ating inang kalikasan at dapat natin itong pangalagaan hindi lamang para sa atin, kundi para din sa mga darating na henerasyon.

Ang SM Prime, sa pamamagitan ng #SMGreenMovement, ay nagbigay daan sa kanilang mga tagatangkilik upang maging mas kaaya-aya ang pangangalaga at pagmamalasakit sa kalikasan.

Ang SM Cares, bilang bahagi ng proyektong #SMGreenMovement, ay naglunsad ng isang Plastic Collection Program na naglalayong mabawasan ang polusyon sa ating kapaligiran, sa pamamagitan ng pangongolekta ng iba’t-ibang klase ng plastik. Sa kasalukuyan, ang programang ito ay nakatulong sa pagbawas (mahigit 20,000 na kilo) ng plastik na itinapon sa paligid, pati sa mga ilog at dagat.

Araw-araw, mula ika-10 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, may mga van sa labas ng mall na kokolekta sa mga basura sa sumusunod na mga sangay ng SM: Megamall, North EDSA, Fairview, Southmall, Marilao, Marikina, East Ortigas, Cebu, Davao, Pampanga, at Telabastagan.

Anu-anong klase ng plastik ang maaaring dalhin sa SM? Ang mga plastik na yari sa PET at HDPE, mga bote ng shampoo, bote ng sabong panligo at panlaba, mga pambalot ng pinamili online, mga sachet at pakete, styrofoam, istraw, at mga plastik na kutsara’t tinidor.

Sa tindi ng nakasisirang epekto ng plastik sa ating pang araw-araw na buhay, ang SM Prime ay nagsasagawa ng iba’t-ibang programang pangkalahatan ukol sa pagkakamit ng mga layunin tungo sa pag-unlad kaagapay ng pangangalaga sa kalikasan o Sustainable Development Goals.

Ang mga nakokolektang di-nabubulok na basura ay kinukuha ng Friends of Hope — kaakibat ng SM Plastic Waste Collection Program. Ang iba namang mga plastik ay ipinoproseso para gawin uling mga PET bottle, maging sangkap sa semento, o mga bangko at upuang yari sa plastik.

Maaring bisitahin ang: www.smsupermalls.com/smcares/ at sa #SMGreenMovement para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga programa ng SM ukol sa pagtulong sa tuluyang paglutas ng problema sa polusyon.