MADE IN CHINA LOAN CONTRACTS, DAPAT BUSISIIN – GRACE POE

Senadora Grace Poe

NANAWAGAN ang reeleksiyonistang si Senadora Grace Poe nitong Martes, Abril 2, na dapat mabusisi ng publiko ang “made in China” loan contracts.

Sa kanyang pahayag, natuwa si Poe sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang lahat ng kontrata ng gob­yerno sa mga pribadong kompanya at alisin ang lahat ng hindi pantay o may kinikilingang probisyon.

Ayon kay Poe, dapat itong i-aplay sa mga kasunduan sa pag-utang sa China gayundin sa mga kasong “one sided” ang mga probisyon tulad ng ikinababahala nina Senior Associate Justice Antonio Carpio at senatorial bet Neri Colmenares.

“Made in China contracts should be vetted for onerous and one-sided provisions. For the results to be impartial, those who negotiated the contracts should have no role in reviewing them,” diin ni Poe.

“We can begin the review process by releasing in full the loan agreements, including annexes and minutes of the meeting of the reviewing and approving bodies,” dagdag niya.

Kinuwestiyon din ni Poe kung kailangan ba talaga ang mga proyektong may mga sikretong probisyon tulad ng $186 milyong Chico River irrigation project at ang $211 milyong Kaliwa Dam.

Nagbanta rin si Poe sa “debt trap” na posibleng harapin ng susunod na henerasyon sa Chico River at Kaliwa Dam projects.

“Above all, it must bear repayment terms that is the best we can get…This nation can’t survive if it’s saddled with loans, that mortgage the future of our children and offers part of national patrimony as collateral,” dagdag niya.

Naunang naalarma si Carpio sa Chico River project na walang tsansa ang bansa na manalo kung magkakaroon ng kaso dahil binalewala ang “sovereign immunity” sa patrimonial assets at pinapahintulutan ang China na maangkin ang mayaman sa gas na Reed Bank (Recto Bank) sa Palawan.

May gayong probis­yon din sa China-funded Kaliwa Dam kaya isinusulong ni Poe ang pagbusisi sa mga proyekto.

Comments are closed.