MADIDIKTAHAN BA ANG KAPALARAN?

pick n roll

SINO nga ba ang dapat magdikta sa kapalaran ng isang indibidwal? Magulang ba, kamag-anak o kaibigan? O ikaw mismo ang dapat mag-desisyon at kumilos para makawala sa bigkis ng pangamba, takot at alinlangan?

Sabi ng matatanda, ang bawat isa ay itinadhana para sa isang makabuluhang buhay. Nasa bawat isa kung paano niya malalagpasan ang mga pagsubok para makamit ang tugatog ng tagumpay.

Sa pinakabagong sports drama movie sa Netflix – Skater Girl —  inilarawan ang kahirapan sa buhay ng isang teenager na babae (Prerna) – mula sa hikahos na pamumuhay, pakikipagsapalaran sa eskwelahan, sa komunidad, sa pag-ibig at kung paano niya ipinaglaban ang kanyang kapalaran sa banta ng galit ng magulang at sumpa ng matandang tradisyon.

Sa huli, napatunayan niyang tama ang kanyang desisyon na harapin ang takot at pangamba upang magtagumapay at makamit ang minimithing kaligayahan.

Maihahalintulad ang istorya ng buhay ni Prerna sa nag-iisang skateboarding champion ng bansa na si Margiely Didal. Lumaki rin sa hirap sa kinalakihang lungsod sa Cebu ang 21-anyos na si Didal. Mistula rin siyang langaw na itinataboy ng komunidad habang naglalaro ng skateboard sa lansangan.

Sa kabila ng pangungutya, hindi sumuko si Didal at ipinagpatuloy ang pagsasanay sa sports na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan at katiwasayan. Sa huli, ang lahat ng sakripisyo si Didal ay nasuklian at sa tulong ng ilang nakakaunawa sa kanyang sitwasyon, nakapag-ensayo siya at nakalahok sa mas mataas na level ng kompetisyon.

Ngayon, isa nang ganap na SEA Games at Asian Games champion ang Cebuana pride. At kung ang kapalaran ay sadyang para sa kanya, makapagdiriwang ang bansa para  sa isang Olympic champion.

Tulad ni Didal, humarap sa iba’t ibang pagsubok ang kapwa niya mga atleta bago nakamit ang mininithing slots para makalaro sa Olympics – pinakamalaking torneo para sa pinakamahuhusay na atleta sa mundo – sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

May nalalabi pang Olympic qualifying tournament para sa iba pang sports, ngunit sa kasalukuyan sigurado na rin sa Athlete’s Village sina pole vaulter EJ Obiena; gymnast Carlos Yulo;  boxers Eumir Marcial, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Irish Magno;  2016 Rio Olympic silver medalist weightlifter Hidilyn Diaz at Elren Ando; rower Cris Nievarez; taekwondo jin Kurt Barbosa; at golfer Yuka Saso.

Sa grupo, naging usap-usapan sa social media si Marcial matapos lantarang ipahayag na kulang (daw) ang natatanggap na pinansiyal na tulong mula sa Philippine Sports Commission (PSC). Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang naturang Twitter message ni Marcial: may kumampi at may nagalit. Dahil isa nang ganap na professional boxer (may bulungan na nagbigay na ng milyon na advance payment ang MP Promotion sa naturang boxer), marami ang nagsasabing hindi na dapat tumanggap si Marcial ng monthly allowances (P42,000) sa PSC.

Mabilis namang naresolba ang gusot ng PSC at sa huli’y ang nakikitang may problema ay ang mismong asosasyon ni Marcial na ABAP. Kung anumang milyones ang nakuha ni Marcial sa pagiging professional, hindi ba’t nararapat lamang ito? Sa kanilang buhay amateur, kamote at mais ang laman ng sikmura ng mga atleta.

Hindi matatawaran ang sakripisyo nila para umangat sa sports at maiahon ang pamilya sa karukhaan. Hindi man ganap na nakakawala sa kahirapan, ang pagiging atleta ay sapat na para makamit nila ang kaligayahan at kaayusan sa buhay.

Sino man sa kanila ang makapag-uuwi ng gintong medalya mula sa Tokyo, siguradong liglig at umaapaw ang biyayang mapagsasaluhan sa hapag-kainan.

*Ang pagbabalik ng inyong lingkod sa PILIPINO Mirror ay isang karangalan. Ipinaaabot ko ang pasasalamat sa aking mga katoto at kasangga sa PM, higit kay Boss RB na muling naglaan ng tiwala at pasensiya.

157 thoughts on “MADIDIKTAHAN BA ANG KAPALARAN?”

  1. What side effects can this medication cause? Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://stromectolst.com/# stromectol cream
    safe and effective drugs are available. safe and effective drugs are available.

  2. safe and effective drugs are available. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    https://stromectolst.com/# ivermectin where to buy
    What side effects can this medication cause? All trends of medicament.

  3. 30 Clinically significant drug drug interactions are therefore unlikely but may occur if the patient is taking medicines that interact with the cytochrome P450 system non prescription cialis online pharmacy There is the chance that treating the underlying cause could reduce them, but if they are a big concern for you, you may want to reach out to a healthcare provider about options for removal

  4. safe and effective drugs are available. safe and effective drugs are available.
    https://lisinopril.science/# lisinopril 20mg 37.5mg
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  5. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    male ed pills
    earch our drug database. Actual trends of drug.

  6. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Drug information.
    https://edonlinefast.com medicine for erectile
    Commonly Used Drugs Charts. drug information and news for professionals and consumers.

  7. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything what you want to know about pills.
    generiac cialis
    Best and news about drug. Drugs information sheet.

Comments are closed.