KINUMPIRMA ng queen of pop Madonna na nagpositibo siya sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa instagram post, sinabi ng 61 anyos na si Madonna na ito ang dahilan kaya kinansela niya ang kanyang concert sa Paris noong Pebrero.
Sinabi ni Madonna na wala namang dapat na ipag-alala ang kanyang fans dahil maayos na ang kanyang kalusugan.
Pebrero 22 nang isang beses lamang na mag-concert si Madonna sa Grand Rex dahil sa sinasabing injury nito.
Nakansela pa ang dalawang concert nito matapos ipagbawal ng French authorities dahil sa COVID-19.
Comments are closed.