MAE-EXPIRE NA DRIVER’S LICENSE PINALAWIG

PINALAWIG  ng Land Transportation Office (LTO) ng dalawang buwan ang validity ng mga ma-eexpire na driver’s license ngayong buwan.

Batay sa anunsiyo ng LTO, ito ay dahil sa pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kaya naman ang mga lisensya na mapapaso ngayong Hulyo ay pinalawig hanggang sa katapusan ng Setyembre.

Maliban dito, pinalawig din ang validity ng student permit, conductor’s license at medical certificate. DWIZ882