Content creator ang morena beuty na si Mae Layug na nag-venture sa make-up business. Siya ang mag-ari ng Get Ready With Me Cosmetics, isang full line ng mga produktong pampaganda na may big following sa social media. Soya ang may-ari, natural lang na siya ang CEO.
Dating wala siyang physical store, pero lately, kinailangan niyang buksan ang tindahan sa Metro Manila – sa SM Mall of Asia of all places! At masayang masaya si Mae dahil finally, mabibili na ng mga go-getters ang kanyang produkto sa SM minsmo. Malaking bagay raw ang may physical store dahil pwede itong makaengganyo ng buyers na nagkataong dumaan lamang. Shop your faves in person and see you, goal-getters! May tindahan din sila sa second floor ng SM North EDSA, North Avenue, corner Epifanio de los Santos Avenue, Quezon City. Kaya kung kilala na ninyo ang GRWM Cosmetics products at nagustuhan ninyo ito, pwedeng bumili nito sa SM. Sakaling wala kayong time para mag-shopping, pwede rin namang bumili sa Shopee at Lazada.
Sinisiguro ng GRWM Cosmetics na handa ang gagamit nito sa pakikipag-face-to-face kaninuman. Mula sa simpleng simula, umaangat na sila sa beauty industry. Kailangan lang daw ang passion, resilience, at walang sawng determinasyon.
Unang naging popular sa social media trend, ginamuit ni Mae ang kanyang boldness at matinding commitment upang maging kakaiba. Actually, isa siyang cardiac nurse bago pa naging content creator at ngayon nga ay beauty consultant. Ang layo, di ba? Who cares?
Ani Mae, nagsagawa siya ng market study at nakita niyang nahihirapan ang mga Filipina na may medium to tan skin tones na makabili ng make-up shade na bagay sa kanila. Kahit baguhan sa cosmetic industry, inilatag pa rin niya ang GRWM Cosmetics noong 2021, at nagtagumpay naman siya.
Of course, nahirapan siya noong una dahil sanay ang Pinoy sa Western models. Yung pag maputi, maganda. Pero naniniwala si Mae na maganda rin ang Morena. If not, bakit nananalo tayo sa mga international beauty contests?
NLVN