PAMBIHIRANG pagkakataon ang iendorso ng isang pamoso at mahusay na visual artist ang pinturang kanyang ginagamit sa kanyang obra.
Subalit dahil tried and tested na, isinapubliko ni Maestro Tom Alvarado ang kanyang bagong wall art paint na ginagamit sa kanyang obra na Sinclair Makaw Obra mula sa Magna Prime Chemicals Technologies Inc.
Ang nasasbing wall art paint ay inilunsad ni Magna Prime Chemicals Technologies Inc Founder and CEO Derrick Tan sa SMX Convention Center na bahagi ng Philconstruct Manila Hybrid Edition nitong Nobyembre 9 –12.
Sa launching ng Sinclair Makaw Obra, wall art paint, naroon din ang mga artist na gumamit ng nasabing pintura sa pangunguna ni Maestro Tom Alvarado habang kasama sina John Melvin Garcia, Reyshane James RD Tejada, Flores “Fleur” Ednave Mistica, Gary Montenegro, Jan Erwin Jabolin, Alfon Buenacasa at Erwin Grino.
Si Maestro Tom Alvarado na isang acclaimed singing painter ay isa sa naging nominee para sa 2018 Presidential Pamana ng Lahi Award.
Ang kanyang mga likha ay kadalasang inspirasyon ng pamana ng kanyang pamilya tampok ang brushwork weaves na nakakaakit ng mga kuwento sa pamamagitan ng mga mural, portrait, surreal art at abstract.
Ang aktibong pakikilahok sa komunidad ni Maestro Tom ay nagbigay inspirasyon sa mga kabataan at nagsisimulang artista mula sa iba’t ibang antas ng buhay na nagtataguyod ng higit na suportang Pilipino na nagpapasigla hindi lamang sa indibidwal kundi pati na rin sa buong bansa.
Sa panayam ng PILIPINO Mirror sa mahusay na visual artist, sinabi nitong sakto at tama ang paglikha ng nasabing pintura.
Bilang abtract/ surrealist artist, kuhang-kuha ng Sinclair Makaw paint ang pangangailangan niya dahil bukod sa kanyang kaalaman sa pagguhit, right blending din ang nasabing pintura.
Samantala, hindi lang para sa mural magagamit ang Sinclair Makaw Obra paint kundi maaaring personalized paint sa bedroom, living room at maging sa mga tanggapan na mayroong touch of art.
Walang timeline si Alvarado para makilala at tangkilikin ang Sinclair Makaw paint dahil ngayon pa lang marami nang naghahangad na gamitin ito lalo na sa panig ng mga nasa sining.
EUNICE CELARIO/ GADELINE BELTRAN