MANANAGOT ang mga pulis na mag-aalok ng kanilang serbisyo sa mga pribadong indibiduwal, partikular ang mga negosyante
Ito ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa closing ceremony ng Motorcycle Riding Course (MCRC) at Motorcycle Riding Safety Training (MRST) na ginanap sa Rancho Palos Verdes Clubhouse sa Davao City nitong Biyernes.
“Never allow yourselves to be tempted to make a profit out of it by offering services to private entities. Those caught will be held accountable,” giit ni Duterte sa kanyang talumpati.
Anang Pangulo sa mga pulis na nagsipagtapos sa riding course na gamitin ang kanilang motorsiklo sa kanilang tungkulin.
“Let me also remind you that whenever you use your motorcycles in the line of duty, you do so as agents of this government and as protectors of our people,” diin ni Duerte.
Kasabay nito, binati at pinuri ni Duterte ang may 200 graduates mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management Penology (BJMP) at civilian sector sa kanilang commitment na tapusin ang kanilang training programs sa proper driving techniques and road safety.
Pinangunahan nito ang pamamahagi ng certificates, pinning of badges sa mga nagsisipagtapos at pangakong maglalaan ng motorsiklo sa tatlong graduates na ginawaran ng best riders na sina PO2 Ian Florida, PO3 Ronald Allan Poe, at PO1 Jason Carillo.
“I hope that the graduates [we] honor today will remain steadfast in their crucial role in promoting the proper safety mindset and driving proficiency which ensure the safety of our road and traffic conditions,” ani Duterte.
Gayundin, siniguro nito sa mga nagsipagtapos na susuportahan at sosolusyunan ng kanyang admin-istrasyon ang “perennial problems of our commuters.”
Comments are closed.