MAG-AARAL NAHILO SA INIT NG PANAHON

BULACAN -ILANG mag-aaral sa Malolos Integrated School-Catmon Campus ang isinugod sa ospital makaraang mahirapang huminga sa Malolos City, Bulacan.

Mayroon ding dumbing ng sakit ng ulo at pagkahilo kaya isinailalim sa medical check up bunsod ng matinding init ng panahon.

Ayon sa mga guro, doble na ang mga electric fan na kanilang ginamit dahil nahihirapan na ang mag estudyante sa mainit na panahon at hindi na rin makapag-pokus sa pag-aaral.

Paulit-ulit naman ang paalala ng mga guro sa kanilang mga estudyante na oras-oras ay uminom ng tubig upang maiwasan ang sakit lalo na ang heat stroke.

Magugunitang ibinabala na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Admiistration (PAGASA) ang mas mataas na heat index o ramdam na init sa mga susunod na panahon na may kaugnayan sa papasok na El Nino Phenomenon. PMRT