MAG-AMA NAG-AGAWAN SA KANTA, 1 PATAY

QUEZON – PATAY ang 48-anyos na na lalaki matapos pagtatagain ng sariling ama dahil sa pag- aagawan sa microphone ng videoke machine sa bayan ng Mulanay.

Naganap ang insidente habang nag-iinuman ang mag-ama at magkakapitbahay sa Sitio Pantay, Barangay Ibabang Yuni ala-7 ng gabi.

Kinilala ang ang biktima na si Reynante Tolda, magsasaka samantalang tinutugis naman ang suspekna si Wilfredo Tolda, 67-anyos

Umarkila pa ng videoke ang mga ito at nagpa-contest.

Idinagdag pa ng mga saksi na iisang awitin ang napili ng mag- ama na kinuwestiyon umano ng matandang Tolda.

Nang aawitin na ng biktima ang “Kung sakaling ikaw ay Lalayo” ay umalis ang suspek subalit bumalik din saka pinagtataga ang biktima.

Naisugod pa sa ospita ang biktima subalit nasawi rin.
ARMAN CAMBE