MAG-AMA PATAY SA SUNOG

NATUSTA ang mag-ama nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Halos hindi na makilala dahil sa matinding sunog na tinamo ng mga biktima na sina Eduard Carimat, 30-anyos at anak nitong si Maria Eloisa Jazz Fuentes, 7-anyos.

Sa inisyal na ulat ni Fire Investigator SFO2 Ana Joy Parungao, bandang alas-10:40 nitong Biyernes ng gabi nang magsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng mga biktima sa 471, Purok 6, MLQ S.,

Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Tumagal ng higit sa isang oras ang sunog saan idineklarang fire out bandang alas-11:15 ng gabi.

Halos tulala pa hanggang sa ngayon si Jennelyn Fuentes, asawa at ina ng natustang mag ama.
Nasa P300,000 halaga ng ari- arian ang natupok ng apoy. BETH C