LANAO DEL NORTE- PATAY ang mag-ama makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Magpatao, Lala sa lalawigang ito.
Bukod sa mga nasawi, dalawa na lulan ng bus passenger ang sugatan.
Sinabi ni Major Joan Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, pasado alas-8 ng umaga nang maganap ang pamamaril.
Ang masaklap nakabundol pa ang sasakyan ng mga napaslang.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakabangga pa ng sasakyan ng mga biktima sanhi ng naturang pananambang.
Nagdulot ng matinding trapiko ang insidente habang pinaghahanap ang mga suspek.
EUNICE CELARIO