ZAMBOANGA SIBUGAY-NAHULI ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang mag-amang sangkot sa kidnap-for-ransom at dating miyembro ng Kuratong Baleleng sa isinagawang operasyon sa Purok Santan Poblacion, Naga ng lalawigang ito.
Kinilala ni PNP AKG Director Brig. General Jonnel Estomo ang mga naaresto na sina Rico Piator alyas Kokoy at kanyang ama na si Julian Piator.
Nahaharap ang mag-ama sa kasong robbery with homicide sa Misamis Occidental.
Sinabi naman ni PNP AKG Spokesperson Major Ronaldo Lumactod, lumipat ang mag-ama sa Zamboanga City mula Misamis Occidental matapos ang naging operasyon ng awtoridad laban sa Kuratong Baleleng na kalaunan ay nabuwag din.
Aniya, sumali ang mga ito sa grupo ni Mamay Aburi na nasa ilalim naman ng pamumuno ni Abral Abdusalam na sangkot sa kidnapping, gun for hire at robbery extortion sa bahagi ng Zamboanga.
Nakadetine na sa Ipil Municipal Police Station ang mga suspek para sa documentation. REA SARMIENTO
Comments are closed.