MAG-ANAK PATAY SA SUNOG

BULACAN -KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang pamilya na mahimbing na natutulog na kapwa natusta ng masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Caypombo, Sta. Maria sa lalawigang ito.

Sa inisyal na impormasyon ng mga taga-pamatay sunog, kinilala ang mga nasawi na mag-asawang Roy at Marie Lozano at ang dalawang anak na pawang menor de edad ng B9 L5 El Pueblo del Rio, Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Nabatid na naganap ang insidente bandang alas-3 ng madaling araw nitong Agosto 8 sa nasabing subdibisyon.

Sa facebook post na nag-viral kaugnay sa insidente, biglang laki ng apoy sa mula sa ibaba ng bahay kaya mabilis itong natupok.

Sinasabing walang fire exit ang tahanan ng mga biktima at posible umanong short circuit sa kuryente ang itinuturong sanhi ng sunog.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari. THONY ARCENAL