MAG-ANAK SA SELDA MAGPAPASKO

selda

BATAAN – BALIK kulungan ang mag-asawa na dati na umanong nasangkot sa droga subalit sa pagkakataong ito, kasama na nila sa selda ang kanilang anak

Ito ay matapos masakote ang mag-anak na suspek sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Pagalanggang, Dinalupihan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief  of Police Lt.Col. Eduardo Guevara Jr. kay Bataan Police Director Col.Villamor Tuliao, nakilala ang mag-anak na suspek na sina Danilo Dayao, Marilou Aguilar-Dayao at anak nilang si Michael Jake Dayao.

Nabatid na halos kalalaya pa lamang umano ng mag-asawa mula sa kulungan sa parehong kaso  ng ilegal na droga.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagbalik umano sa dating gawi ang mag-asawang suspek pero sa pagkakataong ito kasama na umano ang kanilang anak sa ilegal na gawain.

Kaya isinailim sa surveillance ang mag-anak na suspek, nang magpositibo ay ikinasa ang buy bust operation.

Magkakasabwat umanong nagbenta ng hinihinalang shabu ang mag-anak na suspek sa undercover police.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong maliliit na pakete ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa buy bust.ROEL TARAYAO

One thought on “MAG-ANAK SA SELDA MAGPAPASKO”

Comments are closed.