CEBU- PATAY ang apat na miyembro ng isang pamilya nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Moalboal sa lalawigan ito.
Sa ulat ng PNP at Bureau of Fire Protection (BFP), nitong linggo ng madaling araw nang simulang tupukin ng apoy ang bahay ng pamilya Mansuela na nasa Barangay Walog Balabagon, sa bayan ng Moalboal.
Kinilala ng BFP– Moalboal Fire Station ang mga biktima na sina Jonathan Mansuela (ama) 38-anyos; Rose Mansuela (ina) 38-anyos at ang dalawang anak nito na sina Jethro at Dyren na hinihinalang suffocation sanhi ng makapal na usok ang naging dahilan kanilang pagkamatay kaya hindi na nakalabas ng bahay.
Nakaligtas naman ang isang anak nito na si Jove John Mansuela, 16-anyos nang magising ay agad na tumalon sa bintana para makalabas sa nasusunog nilang bahay.
Kasalukuyang, inaalam ni Fire Officer 2 Gibson Hortelano ng Moalboal Fire Station ang pinagmula ng sunog. VERLIN RUIZ
Comments are closed.