MAG-ASAWA, 2 PANG ISIS INFLUENCED TERRORISTS NADALE

pagbabarilin

PARAÑAQUE CITY- APAT katao ang napaslang na sinasabing may koneksyon sa ISIS influenced  Daulah Islamiyah group  sa law enforcement operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police sa Parañaque City kahapon,  Biyernes ng madaling-araw.

Target ng law enforcement operation sa bisa ng bitbit na search warrant ng mga pullis at sundalo ang bahay ng mag-asawang Bensaudi Sali at Merhama Abdul Sawari sa Better Living Subdivision dahil sa pag iingat umano ng mataas na kalibre ng baril.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng militar, agad na pinaputukan ng mga tao sa loob ng bahay ang raiding team,  dahilan para gumanti ang mga operatiba at mapatay ang mag-asawa at kanilang mga kasamang sina Rasmin Hussin at Jamal Kalliming.

Lumilitaw na financier o bagman ang mag-asawa na tinuturong siyang financial link ng ektremistang Daesh na nag-o-operate sa Southeast Asia.

Inaaalam din ngayon kung kasapi ng  sleeper cell ang mga napaslang at posibleng naglalatag ng kanilang terroristic activities kug saan ay hinhinalang ksapi din ng Abu Sayyaf Group si Sali.

Hindi pa makumpirma kung may koneksyon din sa teroristang grupo ang 2 pang napatay sa operasyon na kapwa nagta trabaho bilang security guard sa mga pribadong kumpanya  sa Parañaque.

Nasugatan naman ang isang pulis sa kasagsagan ng putukan na kinilalang si Police Corporal Ehrol Gamboa, nakaalaga sa Regional Special Operations Group ng PNP-National Capital Region Police Office.

Nakuha sa lugar ang ilang baril, bala, pampasabog, at 2 watawat ng extremist armed group na Islamic State of Iraq and Syria o  ISIS. Electric match, 3 blasting caps, wires at dalawang granada. VERLIN RUIZ

Comments are closed.