ZAMBALES – PATAY ang mag-asawa at ang dalawang taong gulang nilang anak na lalaki nang tupukin ng apoy ang isang gusali na kanilang tinutuluyan kasama ang tindahan sa Olongapo City.
Sa report ng mga awtoridad, kinilala ang mag-asawa na sina Mariano at Aira Panganiban at kanilang anak na si Ricardo.
Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) natagpuan ang mga biktima na magkakayakap sa ikaapat na palapag ng gusali.
Tinatayang aabot sa humigit kumulang sa P50 milyon ang mga piyesa ng mga sasakyang natupok at ang pinsala sa gusali dahil sa sunog na pag-aaring isang alyas Florencio.
Tumagal ng halos tatlong oras bago naapula ang apoy kung saan naging pahirapan sa mga bumbero dahil sa makitid na daan.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon kung saan at paano nagsimula ang apoy. ROEL TARAYAO
Comments are closed.