MAG-ASAWA ARESTADO SA GUN BUY BUST

Baril

NAVOTAS CITY – ARESTADO ang isang lalaki at kanyang asawa matapos magbenta ng hindi lisensyadong baril sa pulis sa isi­nagawang buy bust ope­ration sa Navotas City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na si Michael Cardenas, 34, at kanyang asawang si Jonalyn, 34, kapwa ng 301D Reyes St., Brgy. Bangkulasi.

Sa ulat, dakong alas- 11:40 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon ang buy-bust operation kontra kay Michael sa Reyes St., Brgy. Bangkulasi matapos ang natanggap na impormasyon ng mga pulis hinggil sa ilegal umanong pagbebenta ng suspek ng baril.

Nagawang makabili ng isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ng isang hindi lisensyadong cal. 38 revolver sa suspek subalit, bago magkabayaran ay napansin ni Michael ang presensya ng mga operatiba kaya tumakbo ito sa kanyang bahay.

Hinabol ito ng mga operatiba hanggang sa makorner sa pinto ng kanyang bahay kung saan narekober sa suspek ang cal. 38 revolver at dalawang pakete ng shabu na nasa P20,000 ang halaga.

Nang posasan na ang suspek, biglang pumagitna ang kanyang asawa at pinigilan ang mga pulis sa pag-aresto saka sinabihan ang asawa na tumakas kung kaya inaresto rin ito ni Capt. Pabon dahil sa obstruction of justice. EVELYN GARCIA

Comments are closed.