SOUTH COTABATO – PINAGTATAGA hanggang sa mapatay ang mag-asawa at biyenan at bayaw matapos na magtalo sa Sitio Lambukon, Barangay Canahay, Suralla, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Jobert Dones, alyas Jun-Jun Tiko, 31, at residente ng Barangay Canahay habang ang mga napatay ay nakilalang sina Benevicto Calibayan, 53; Hapelina Calibayan, 52; at bayaw na si Victoria, 15.
Nag-iinuman sa bahay ng mga biktima ang suspek at biyenan nito na si Benevicto habang nasa loob naman ng bahay si Hapelina at Victoria na nanunuod ng TV, pasado alas-8 ng gabi.
Sinasabing kinumpronta ni Benevicto ang suspek kaugnay sa walang trabaho.
Subalit, bigla na lang umanong tumayo si John Jobert, kumuha ng itak at pinagtataga ang kanyang ang mga biktima.
Sumuko naman ang suspek sa barangay kagawad at ngayon ay nasa custodial facility ng Surallah-PNP at nahaharap sa kasong multiple murder. MHAR BASCO
Comments are closed.