BULACAN – Dead on arrival sa pagamutan ang mag-asawa sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan nang paputukan ng isang suspek gamit ang automatic carbine sa Area 1 Brgy, Paradise sa lungsod ng San Jose del Monte gabi ng Disyembre 11 2021.
Sa paunang report ng mga pulis kinilala ang mga nasawi na si Loria Kadi Tuya, 64-anyos, at asawa nito na si Mastura Abdul Tuya Sr. 45-anyos, residente sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Loriamae, anak ng biktima kasalukuyan siyang nasa loob ng bahayng makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril, dahil sa takot nagtago na lamang sya sa loob ng comfort room, ganap na alas-6:50 ng gabi.
Aniya, nasa balkonahe ng kanilang bahay ang kanyang mga magulang na noo’y naglilinis ng motorsiklo.
Masuwerte rin na hindi tinamaan ng bala ng baril ang bunso niyang kapatid na lalaki na dumapa na lamang din sa likod bahay.
Nilinaw nito na wala siyang alam na kaaway o kaalitan ang kanyang mga magulang para patayin.
Samantala umapela ng tulong ang sa mga pulis ang tatlong anak na naulila ng mag-asawa.
Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang 14 na basyo ng M14 o Automatic Carbine.
Maging si UMLP Inc. President Waida Sungcad,at BMAC president Omar Manalocon, kay PNP chief Dionardo Carlos na tutukan ang kaso ng karumal-dumal.na pagmamaslang sa mga biktima. Thony Arcenal