MAG-ASAWA TINAMBANGAN

DAVAO DEL NORTE – PATAY ang mag-asawa matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Lunes ng gabi sa Barangay San Miguel, Santo Tomas.

Nakilala ang mga biktima na sina Rafael Mirandilla at  Cresencia Mirandilla, pawang mga residente ng Barangay Kinamayan  sa naturang bayan.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang insidente  sa liblib na lugar sa  Barangay San Miguel habang pauwi ang mga biktima sa kanilang bahay lulan ng motorsiklo.

Inabangan ng mga suspek ang mga biktima at pinagbabaril ito na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy  ang imbestigasyon sa insidente upang malaman kung  sino ang nasa likod ng pagpatay at kung ano ang  motibo nito.

EUNICE CELARIO