BAGUIO CITY — REHAS na bakal ang binagsakan ng mag-asawang drug dealer makaraang makumpiskahan ng P300K halaga na marijuana oil at shabu sa isinagawang anti- drug operation ng Cordillera pulis at PDEA agents sa Barangay Lacnog sa Tabuk City, Kalinga noong Huwebes ng umaga.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mag-asawang sina Merlyn Cardenas, 36-anyos at Kenneth Cardenas, 34-anyos na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Nasamsam sa mga suspek ang 15 botelya na marijuana oil na may street value na P90K; 5 sachets na shabu na nagkakahalaga ng P5,000; 2 litro ng MJ oil na may halagang P200,000 at 250 gramo ng marijuana seed na nasa P6,250.00 ang halaga.
Sa ulat ni Cordillera Police Director Brig. Gen. RWin Pagkalinawan, isinagawa ang anti- drug operation sa bahay ng mga suspek matapos makakuha ng search warrant na inisyu ni Judge Jerson Angog ng RTC Branch 25.
Nabatid na si Merlyn ay nasa drug watchlist bilang Regional Top Ten Illegal Drugs Personality sa Cordillera habang ang mister nito ay newly-identified drug figure. MHAR BASCO
Comments are closed.