MAG-ASAWANG MATANDA NADALE SA SUNOG

sunog

CAVITE – KALUNOS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang matanda makaraang makulong sa kanilang bahay na nasunog sa bahagi ng Barangay Panapaan 3 sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng madaling araw.

Bandang alas-3:30 ng madaling araw nang matagpuang patay ang mag-asawang sina Sozimo Nario, 71, barangay kagawad; at Mercedita Nario, 65, kapwa caretaker ng Francel Corporation at nakatira sa gilid ng nabanggit na kompanya.

Base sa ulat ni SPO1 Michael Le­gaspi Jr. na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, nagsimulang masunog ang bahay ng mag-asawa bandang alas-3 ng madaling araw.

Kaagad naman rumesponde ang pangkat ng pamatay-sunog ng Bacoor City makaraang makatanggap ng ulat kaugnay sa sunog kung saan naapula naman ang apoy bandang ala-3:38 ng madaling araw.

Natagpuan ang nasunog na bangkay ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay na gawa sa light materials habang patuloy naman ang imbestigasyon kaugnay sa naganap na sunog.   MHAR BASCO

2 thoughts on “MAG-ASAWANG MATANDA NADALE SA SUNOG”

  1. 961818 680493Should you have been injured as a result of a defective IVC Filter, you need to contact an experienced attorney practicing in medical malpractice cases, specifically someone with experience in these lawsuits. 773055

Comments are closed.