CAGAYAN DE ORO CITY – NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Inter Agency Council (NICA) ang mag-asawang miyembro ng Maute-ISIS group sa nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng PNP Region 10 Regional Director Police Chief Supt. Timoteo Pacleb, alas 4:50 nang maaresto sina Eyadzhemar Abdusalam, 26-anyos, local Daesh/ ISIS cell mula sa General Santos City at asawa nitong si Catherine Dianne Palmitos alyas Maryam Aisha, isang Muslim convert, nagsisilbing ISIS supporter at facilitator.
Sinasabing ang mag-asawa ay pawang mga nurse.
Narekober mula sa mga naarestong suspek ang fragmentation grenade, isang cal .45 pistol na may magazine at ammunition na nakalagay sa isang backpack.
Si Abdusalam ay graduate ng BS Nursing sa Notre Dame ng Dadiangas University (NDDU) sa General Santos City.
Naging presidente siya ng Muslim Students Organization (MSO).
Noong panahon ng Marawi siege, na-monitor itong nagpapadala ng medical supplies sa Maute ISIS group. R. SARMIENTO
Comments are closed.