BATANGAS -Nakagapos ng duct tape ang mga kamay, may mga tama ng bala sa leeg at wala ng buhay ng matagpuan ng mga owtoridad ang bangkay ng mag- asawang trader sa loob mismo ng bahay nito sa Ciudad Victoria Homes, Barangay Dalawa, Tanauan City, Batangas.
Kinilala ang mga biktima na sina Allen Jhon Umali, 38-anyos at asawa nitong si Kleggy, 36-anyos; mamay-ari ng mga Shuttle Bus na nagta- transport ng mga factory worker sa Industrial site ng Calabarzon.
Sa pahayag ni Police Lt. Col. Apolinario Lunar, Tanauan City Police chief, may takip na kumot ang katawan ng babae samantalang nakahandusay naman sa paanan nito ang katawan ni Allen John.
Isang caliber 9mm pistol din ang narekober ng pulis sa gawing ulunan ng mag- asawa.
Sa pagsisiyasat, wala umanong tanda ng forced entry ang mga pinto ng bahay at wala rin umanong nawawalang mga gamit ang mga biktima.
Nakakita rin ang mga owtoridad ng limang bala ng caliber 9mm sa loob ng cabinet na pag- aari ni Allen John.
Masusi pa rin nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis.
ARMAN CAMBE