GENERAL SANTOS CITY- ITINUMBA ang mag-asawang trader matapos ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang gunmen sa loob ng karinderya sa Purok Habitat Phase A, Barangay Mabuhay sa lalawigang ito noong Huwebes ng hapon.
Kinilala ni Police Captain Brent Salazar, hepe ng Police Station 4 ng General Santos City Police Office ang mga biktima na sina Jose Caban Becerra at Erlyn Morong Becerra, kapwa residente ng Ma. Theresa, Barangay San Isidro.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, magkasamang kumakain sa LJ Eatery ang mag-asawa nang biglang lapitan at ratratin ng dalawang gunmen.
Batay sa salaysay ng ilang nakasaksi sa krimen, bumaba ang gunmen sa kulay itim na pick-up truck saka tinungo ang kinaroroonan ng mag-asawa.
Nagtamo ng tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-asawa bago tumakas ang gunmen bitbit ang high-powered firearms.
Ito na ang ikatlong kaso ng pamamaril sa nasabing lungsod sa loob lamang ng isang linggo. MHAR BASCO
Comments are closed.